Wednesday, August 10, 2005
Yakult Files - Uno.
Wala lang. Sinusubukan ko lang naman kung ano ba ang La Salle pag gabi. Naglalakad ako ngayon sa may mga benches malapit sa central plaza. Naglalakad habang nagsusulat at nabibingi sa mga naghahasa ng something. Nasa central plaza na ako, papuntang Ampitheatre. Dun na ako tatambay. Sana hindi basa ang mga upuan. Nakarating na ako at umpisa na ang pag-mumuni-muni ko. Kakauwi ko lang kanina. Hinatid na ako pauwi. Bago pa pala nun, galing akong 7-11 at bumili ng Yakult. Iniwan ko muna yung binili ko sa bahay tapos bumaba ulit ako. Tagal ng elevator. Nakakaasar.
Wala lang, naisipan ko lang mapag-isa. Maganda pala dito. Tahimik. Sobra. Dito nalang ako tatambay. 2040H na. Anong oras ba nagsasara ang La Salle? .... May dalawang taong dumaan. Walang cute sa kanila, bwiset. May pusang umiiyak. Maingay. Tumigil. Sana di nalang siya tumigil. Darn. Naririnig ko na ang LRT. Naalala ko tuloy si Nice. Sana maabutan niya ang LRT para di na cya magjeep. May mga putok akong naririnig... bwiset. Si Manong lang pala, tulak ang kanyang de gulong na basurahan! Haha! Natatawa ako, akala ko kung anong ingay! Kala ko war of the worlds na hehehe! Sana ganito nalang lagi. Tahimik. Ayun nanaman! Yung pusang umiiyak! Bakit kaya cya umiiyak? Nasaktan kaya cya? o nawawala? o gutom? Kawawa naman.. parang si... hehehe... sino ba ang nasaktan kanina? Si Dee. Pero ayos na cya. Sana ayos na cya. Pero tingin ko ayos na cya. Anjan naman kasi si David eh. Sinong nawawala? In English, sinong LOST? Ako. Hehehe! Nawawala ako kasi walang nakakaalam kung nasan ako ngayon. Lagot ako sa tatay ko. Isa akong dakilang pasaway... At sinong gutom? Hay, tinatanong pa ba yan? Ako parin. Di pa ako kumakain eh.. pero ayos lang . Kelangan kong magkasya sa dress na susuotin ko sa pictorial ko sa August 17! (Happy b-day pala kay Abet!)
Anyway, kapag nalaman to nina Ate na andito ako ngayon, ano kaya iispin nun? Siguro mag-aalala yun... mag-assume ba! Mahal ako nun eh, natural mag-aalala yun. Pero, batchie, wala. Wala to. Sasabihin ko rin sayo balang araw kung bakit ako ganto lately. Balang araw. Siguro kapag may mga asawa na kayo. Pero pinapangako ko na bago ako mamatay eh sasabihin ko sainyo...
Medjo may mga dumadaan na rin. Mga uuwi. Uwi narin kaya ako? Mamaya na.. kapag feel ko na. Or kapag pinapaalis na akon dahil magsasara na ang La Salle at ako nalang ang tao dito. Natutulog na ang mga paa ko! Naka-Indian seat kasi ako dito. At kanina pa. Maiba nga ang upo... Hayan. Anong oras nga ba nagsasara ang La Salle? Galing ko rin noh? Second year na di parin alam kung ano ang closing time ng sariling skul. Hehehe.. malalaman ko rin yun. Marami ng taong dumadaan. Siguro nga closing time na. Eniwei... may nararamdaman na akong tubig na tumutulo. Umaambon na. Feel kong magpaulan. Tinutuluan na ang notebook ko. Haay.. siguro nga dapat umuwi na ako. Sige na nga. Uuwi na. Hay.. pero sana matagal ang oras ko dito. Sana kasama ko nalang cya. Maglalasing nalang ako ng Yakult sa bahay. 2100H. Sakto. Meow.
... extra+rice
|| 9:04 PM