Sunday, August 07, 2005
Turnover.
babalikan
by bravo '04
masakit man sa puso namin
kailangang tanggapin
ang oras ay umiikli
ginintuang sandali
matagal narin ang pagsasama
di nakapagtataka
na kami ay nasanay nang
makita ang inyong mga mukha
paalam na sainyo
kay raming magbabago
paglabas nyo sa tunay na mundo
dasal nami'y kayanin nyo
dasal nami'y kayanin nyo
ito'y aming pasasalamat
sa mga luha't ngiti
lahat ng aming natutunan
dito'y mananatili
salamat po sainyo
bulong ng aming puso
paglabas nyo sa tunay na mundo
tandaan na mahal namin kayo
tandaan na mahal namin kayo
paalam na ngunit huwag kalimutan
ang lahat ng pinagdaanan
lagi lang tatandaan
na kayo'y may babalikan
may babalikan
paalam na sainyo
kay raming magbabago
paglabas nyo sa tunay na mundo
dasal nami'y kayanin nyo
tandaan na mahal namin kayo...
To Sir Flores and Sir Mina:
Simple lang pero... sana nagustuhan nyo. Salamat sa lahat. Mamimiss namin kayo. Ala na kaming tatay :'( Ingat nalang at God Bless.
... extra+rice
|| 9:47 AM